Home » Latest News, Lifestyle » What kind of YFC are you?

What kind of YFC are you?

Have you ever categorized yourself on what kind of YFC are you? Go on, know the types of YFC then think deeply and tell us what kind of YFC you are. Yes YOU! Leave your answers below as comments.

yfc-news

via Rigor Cunanan

1. Youth for Conferences – ang mga kabataang madalas makita sa mga conferences. Pag umuwi ka sa bahay ng mga kabataang ito, mapupuna mo kaagad ang kanilang koleksyon ng mga ID’s at mga conference shirts. Pero nakakalungkot lang na sabihing kung gaano kadami ang kanilang koleksyon, ganoon din kakonti ang koleksyon nila ng kabutihan. Ang mga Youth for Conference ay may mga subcategories pa:
a. Youth for Conferences, major in Competitions – ang mga kabataang pinagpala
sa larangan ng sports at mga pisikal na aktibidad. Marahil ang iba sa kanila ay
nakakasungkit ng gintong medalya at pwede nang ipanlaban sa Olympics, pero
hindi nila masungkit-sungkit ang gintong medalya ni Papa God at hindi pa sila well
trained para sa Olympics ng buhay.
b. Youth for Conferences, major in Creatives – ang mga kabataang pinagkalooban
ng kagalingan sa creatives, katulad ng mga nag-major sa Competitions, nakukuha
nila ang palakpak at hiyaw ng mga audience nila, pero sa totoong buhay ay palpak
sila at hilaw sa pagmamahal.
c. Youth for Conferences, major in Cheering – ang mga kabataang ito ay hindi
pinagpalang pagkalooban ng talentong inclined sa Creatives or sa Competitions.
Pero pinagpala naman sila ni Papa God sa animo’y mega-phone na mga boses na
swak na swak pang-cheer sa tropa. Ang mga kabataang ito ay masipag na
umaattend ng mga conferenes para suportahan ang kanilang mga kaibigan, hindi
para suportahan ang kanilang panananampalataya kay Papa God.

2. Youth for Camps – Halos lahat ng camps ng bawat chapters or clusters ay present siya. Lumilitaw lang ang mga kabataang ito tuwing may masasagap na mga youth camps. Kulang ang mga daliri niya sa paa at kamay para mabilang kung ilang talk 1, 2, 3, 4 and 5 na ang napakinggan niya, ngunit kahit isa sa limang talks na yun ay hindi narinig ng puso niya.

3. Youth for Crush - ang mga kabataang naghahanap! Umaattend lang ng mga activities para maghanap ng prospect kalandians. Sila ang mga walang sawang nag-papacute sa mga cute. Madalas din nilang hawak ang kanilang mga gudgets gaya ng cellphone, para makuha ang numbers ng mga prospects kalandian, at ang kanilang mga digicams, para naman makakuha ng nice shot sa kanilang mga prospects. Kapag walang kacrush-crush sa paligid, either mawawala na lang sila bigla or makikita mo na lang silang nagtetext sa isang tabi.

4. Youth for Cute – ang mga kabataang katandem ng mga Youth for Crush. Sila naman ang mga magaganda, mga guwapo or mga F-na-F nateng mga kapatid na walang ginawa kundi magpa-cute. May subcategories din ang Youth for Cute:
a. Youth for Cute, major in Clothing – ang mga kabataang parang akala mo aattend
ng fashion show. Parati silang makikitang suot ang kanilang bonggang-bonggang
mga damit. Umaattend lang sila sa mga activities para irampa ang kanilang mga
nakakabighaning mga kasuotan. Sa kabila ng kanilang nakabibighaning mga
kasuotan ay nagtatago ang kanilang mga pusong tadtad ng butas at hindi pa
nasusulsihan.
b. Youth for Cute, major in Cool Gadgets – ang mga kabataang umaattend para
lang irampa ang mga bagong cellphones or gadgets nila. Sila ay medyo
nakakaangat na mga kabataan. Super proud ang mga kabataang ito sa kanilang
mga materyal na expensive stuffs. Pero nakakalungkot na hindi mapurchase ng mga
kabataang ito ang priceless na si Chirst.

5. Youth for Cliques - ang mga kabataang super friendly! Lahat ay kilala siya, at napakagaling din na lahat ay knowing niya! Ayos na sana ang mga Youth for Cliques dahil kilala nila ang lahat sa area nila, kaso nakalimutan ata nilang i-friend si Kristo.
a. Youth for Cliques, major in Cellphones - ang mga kabataang super ingay at
aktibo sa mga GM’s at PM’s. Nagtatype ka palang ng itetext mo ay may reply na
agad! Hanep! Kung gaano sila kabilis sumagot sayo, ganoon din silang kabagal
sumagot pag si Kristo na ang nagtext.
b. Youth for Cliques, major in Computers – ang mga kabataang umaariba sa
pakikipagfellowship sa pamamagitan ng mga computer games! Beyond god-like ang
mga kabataang ito pagdating sa computer world, pero sila naman ang first blood sa
reality dahil sa mga kasablayan nilang hindi matuwid-tuwid.
c. Youth for Cliques, major in Closing - sila talaga ang mga kabataang nangunguna
sa fellowship. Pero may mga kakaibang taktika ang mga major in Closing, dahil
pagkatapos lang ng Closing Prayer sila nagiging active. Madalas sila ang unang
nagyayaya ng mga galaan or tambay modes sa mga ka-households. Madalas
makikita mong nagbobonding ang mga kabataang ito after ng mga activities.
Nakakalungkot na hindi na kasama sa bonding nila si Jesus Christ.
d. Youth for Cliques, major in Chismax - ang mga kabataang ginagamit ang buhay
ng iba para magfellowship. Mabilis sumagap ng mga latest ang mga ito, pero
kadalasan eeh mali naman. Usually mga sisters ang mga kabilang sa major in
Chismax. Imbis na ishare ng mga major in Chismax ang blessings ng buhay,
ishineshare nila ang mga kamalasan ng iba nating mga kapatid.

6. Youth for Chore-less - ang mga kabataang tumatakas! Umaattend lang sa mga activities para makatakas sa mga household chores. Ayos din ang mga Youth for Chore-less, nagagawa nilang iwan ang mga gawaing bahay nila pero makikita mo naman silang nangunguna sa pagliligpit at pag aayos tuwing may mga activities.

7. Youth for Compass - ang mga kabataang adventurer. Lahat ng malalayong lakbayin ay andun sila, kahit sa ends pa ng earth yan. Nakakapagtaka lang na kapag may household na sila sa isang malapit lapit na lugar ay wala sila?

8. Youth for Chibog - ang mga kabataang hindi nabubusog! Pupunta sila sa mga activities kung may libreng chibog at drinks. Madalas ma-late ang mga Youth for Chibog, dahil sinasakto nila ang kanilang arrival kapag tumayo na ang lahat at nagbless the food na. Pero sana, kung gaano kagutom at kauhaw ang mga kabataang ito sa chibog, ganoon din sila kagutom sa pagmamahal at ganoon din sila kauhaw sa mga salita ni Papa God.

9. Youth for Care - ang mga kabataang kulang sa pagkalinga! Mga batang hyper at pinamamahaya ng hindi nauubos ang enerhiya sa pangungulit at pagpapatawa sa iba. Ang mga kabataang ito ang kalimitang mga clowns. Napapatawa at naaaliw ka ng mga kabataang ito. Pero, nakalulungkot na hanggang ganoon lang sila. Nawawala ang pagkahyper nila sa mga worship, at madalas tulog sa mga talks dahil need daw nila mag recharge ng energy. Kamusta naman mga Youth for Care?

10. Youth for Cult - ang mga kabataang astig magworship! Matitindi ang mga kabataang ito sa pagpapray. Mahusay at napapahanga tayo ng mga kabataang ito. Pero ang kahusayan pala nila ay bulok. Dahil hindi si Kristo ang sinasamba at dinadasalan nila, ginagawa lang nila ang mga pagtaas ng kamay at tounges para lang hangaan ng iba.

11. Youth for Christ - hindi perpekto ang mga kabataang ito, may mga bulok din sa kanilang sistema at marahil ay kabilang din sila sa isa sa mga categories na nabanggit ko sa itaas, pero handa silang itatwa ang mga bulok na ito dahil nabubuhay sila GAWA ni Kristo, KASAMA ni Kristo at PARA kay Kristo.

Ako? Ako ay isang tunay na Youth For Christ. Sabi nga hindi perpekto, may bulok sa sistema, at baka kabilang din sa mga categories na nabanggit. Pero by heart, I’m a true blooded YFC!
Ikaw? San ka nabibilang? hmmm.. :D

Don't forget to share this post:
Related Posts:
Get free updates directly to your e-mail from YFCnews.com. Just enter your e-mail below and confirm your subscription by clicking the link that will be sent to your e-mail:

Enter your email address:

2 Responses to " What kind of YFC are you? "

  1. Meynard says:

    hey.. nice… i don’t where i will classify myself among those kinds of YFCs..

    anyway.. please visit our site…

    http://cfcyouthforchristpup.ning.com
    The official website of CFC Youth For Christ PUP

    thanks for the visit!
    God bless! ^_^

Leave a comment